Skip to main content

KARAPATDAPAT BA AKO SA REPRESENTASYON? PAANO KUNG WALA AKONG
PAPEL?

Ang ating mga kababayan ay pamilyar sa mga hirap sa buhay na takot maghabol at gumawa ng aksyong legal. Anuman ang iyong sitwasyon, mayroon kang pwedeng gawin na legal na paraan. Halimbawa, ikaw ay binangga pero wala kang lisensya o anumang papeles para magmaneho, pwede ka pa rin maghabol sa bumangga sa iyo sa legal na pamamaraan. Hindi tinitingnan ang estado mo dito at lahat ng impormasyon mo ay protektado. Huwag matakot na magsampa ng kaso sa nakabangga sa iyo para may sumagot sa lahat ng gastos sa pinsala sa iyo at sa pasahero mo, gayun din sa pinsala sa sasakyan mo. Narito kami para protektahan ka at sasagutin naming lahat ng katanungan mo tungkol sa iyong mga karapatan. Wala kang dapat ikabahala, narito kami para ipaglaban at ipagtanggol ka.

LIBRENG KONSULTASYON

KAILANGAN KO BA NG ABOGADO PARA SA AKSIDENTENG KINASANGKUTAN KO?
BAKIT KAILANGAN?

Kung kami ay pagtitiwalaan mong kumatawan sa iyo, makakaasa kang pangunahing prayoridad namin ang makabalik ka sa buhay na normal: maging sa iyong pisikal na kalusugan pati na rin ang pinansyal na aspeto ng sitwasyong iyong kinakaharap. Sa kasamaang palad, ang mga pinsalang natamo sa isang aksidente ay maaaring makapagpabago at nakakagambala ng pang-araw araw na buhay. Upang mapagtuunan mo ng pansin ang iyong kalusugan at mabalik sa normal ang buhay mo sa lalong madaling panahon, narito kami upang tulungan kang harapin ang mga hamon at kumplikasyon ng pakikipag-usap sa mga kumpanya ng Seguro na ang tanging layunin ay samantalahin ang iyong kahinaan para sa pinansyal na ganansya nila.

Andito kami para sa iyo

TAWAGAN MO KAMI SA 833.88.4275

Jared Esmiller

Jared Esmiller
Lead Consultation Specialist

Chelcy Salvador

Chelcy Salvador
Case Manager

Julie Abing

Julie Abing
Case Resolution Support

Clark Fielding

Clark Fielding
Founding Principal

TUNGKOL SA AMIN

Jared Esmiller • Lead Consultations Specialist

Chelcy Salvador • Case Manager

  • Ako ay natuto magsalita at makipag-usap ng wikang Tagalog sa murang edad. Dahil ako ay isinilang at lumaki sa Pilipinas, nagkaroon ako ng pribilehiyong matutunan ang kulturang Pilipino at ang wika sa aking paaralan at sa aking pang-araw-araw na buhay.
  • Bilang tagapangasiwa ng kaso, nais kong tulayin ang agwat na umiiral sa mga hadlang sa wika pagitan sa loob ng mga nagsasalita ng Tagalog at mga legal na kinatawan. Ito ay upang matiyak na ang mga boses ng mga kliyenteng ito ay itinataas at kinakatawan sa kanilang pinakamahusay na interes.
  • Ang aking background sa edukasyon ay nagsisimula sa aking double bachelor’s degree sa Political Science at Criminology at ang aking Master sa Philosophy, Political Science at Economics. Palagi akong nag-eenjoy sa pagbabasa at pag-aaral tungkol sa pulitika at gobyerno sa Pilipinas na lubos na umaasa sa wikang Tagalog.

Julie Abing • Case Resolution Support

Clark Fielding • Abogado

  • Matatas sa Portuguese salamat sa dalawang taong paglilingkod sa misyon sa Rio de Janeiro, Brazil.
  • Abogado ng labing-anim na taon
  • Clark the Law Shark gusting tulungan ka at ang iyong pamilya na “kagatin” ang mga kompanya ng seguro at makuha nag result ana nararapat sa iyo

ANO MANYAYARI KUNG WALA AKONG SEGURO SA KALUSUGAN O HINDE KO KAYA BAYARAN MGA DOKTORES?

Nauunawaan namin na ang hindi inaasahang gastos ng pagpapagamot dulot ng aksidente ay may malaking epekto sa ating pangkabuhayan. Pabibilisin ng aming koponan ang pangangalaga sa iyo at sa mga pinsalang dulot nito. Ang kaso mo ay maaaring sakop ng pangangalagang medikal na kung saan hindi mo kakailanganing magbayad. Lahat ng pagpapagamot ay babayaran kapag naipanalo na ang iyong kaso. Maaari ka ring kumuha ng segurong pangkalusugan mula sa Pacific Crest Healthcare (PCH), sapagkat kami ay isang kumpanyang aprubado ng PCH.

MAGKANO ANG GASTOS SA PAG-HIRE NG ABOGADO PARA SA AKSIDENTE O KASO KO?

Kadalasan na walang gastos ang aming mga kliyente hanggang matapos ang kanilang kaso. Kami ang sasagot sa lahat ng gastos at anumang bayarin. Kapag nakipag-areglo ang nakapinsala sa iyo o naipanalo namin ang kaso mo, kaparte ang aming kumpanya sa anumang halagang mapagkakasunduan para maibalik ang anumang gastos na aming paunang binayaran. Ang mga abogado namin ay handang ipaliwanag sa iyo ang karampatang kabayaran sa aming serbisyo sa paunang libreng konsulta.

Andito kami para sayo. Hayaan mo kaming tulungan ka.

TAWAGAN MO KAMI SA 833.88.SHARK

GALING SA AMERICAN BAR ASSOCIATION

Ang isang kliyente ay nagbabayad ng contingency settlement fees sa isang abogado kung matagumpay na pinangasiwaan ng abogado ang isang kaso. Ginagamit lamang ng mga abogado at kliyente ang kasunduang ito sa mga kaso kung saan usaping pera ang nakasalalay, na pangkaraniwan na sa personal na pinsala o mga kaso ng kompensasyon ng mga manggagawa.

Sa isang contingent fee na kasunduan, ang abogado ay tumatanggap ng isang pirmihang porsyento (karaniwang isang-katlo o 1/3) ng halagang naipanalo para sa kliyente. Kung naipanalo naming ang iyong kaso, ang bayad sa abogado ay lalabas sa perang iginawad sa iyo. Kung ikaw ay matalo, ikaw o ang abogado ay hindi makakatanggap ng anumang pera, ngunit hindi mo kakailanganing bayaran ang iyong abogado para sa trabahong ibinigay nya sa kaso.

Tumawag sa 833.88.SHARK o kumpletuhin ang porma sa ibaba

LIBRENG KONSULTASYON 24/7

Close Menu